CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Friday, January 11, 2008

Ikaw, Anong Kwento Mo?

* stolen from Den. Nagnanakaw ng oras.

1. KWENTO NG NAME MO?
Nahanap ng nanay ko sa isang pocketbook where the character's name was Richelieu (originally from Cardinal Richelieu's name kaya obviously boy's name yun). My mother weanted to give me a "seemingly" boy's name although alam niyang babay girl ang baby niya...Siguro kahit paano eh may pagka-feminista ang Nanay ko....Going against the norm of giving a Girl's name for a girl...variation sa spelling ang name ko so if ever you're gonna look for it in a Baby Name's Book magiging Rachel/Richelle na w/c is a feminine version of Richard...whew!

2. anung kwento ng last birthday mo?
Uhmmm nakaleave sana ako nun kaya lang may hinanap na file/data yung boss ko at obviuosly ako lang makakasagot kya pinapunta ako sa office ng hapon... Admin gave me a "gift cheque" for my birthday na ibinili ko ng 6 layers plastic chest/drawers para umayos ng konti ang mga kalat ko...uorder kami ng pansit at ice cream tapos ayun na...next day hindi ko na birthday hahahaha

3. anung kwento ng 1st lovelife mo?
teka...hindi ko maisip kung sino sa kanila ang una...pero hula ko lang yung karakter ng unang lovelife ko ay base kay ralph macchio ng karate kid...(oo alam ko matanda na siya) pero siya nga yata ang unang lovelife ko bago di devon sawa sa casper...hmm... kailangan ko na talagang magbalik-tanaw.

4. anung kwento ng lovelife mo ngayon?
Ganito yon... noong unang panahon at ako'y bata pa, meron akong isang lalaking itinatangi sa puso ko pero dahil ako'y insecure sa sarili ko noon at batid kong meron na siyang ibang gusto, hinayaan ko na lang at hindi ipinagtapat sa kanya... lumipas ang siyam na taon...nagkita kaming muli at napagtanto kong itinatangi ko pa rin siya kaya't aking ipinagtapat ang aking damdamin...paalis na siya ng bansa noon at sa isang 'loveletter' (yes, uso pa!) ko na lamang ipinarating... Deadma...umiyak ang puso ko ngunit ano naman ang aking magagawa? hindi naman pwedeng saklawan ang damdamin ng isang tao... pinilit kong makalimot... hanggang lumipas ang dalawang taon. Bigla na lang, nakatanggap ako ng paanyaya mula sa aking mga kaibigan na lumabas daw kami...yun pala kinakutsaba na sila ng lalaking itinatangi and voila...alam niyo naman siguro kung ano ang kasunod di ba... ikakasal na kami next year...

hehehe...classic tagalog romance storyline...

5 . anung kwento ng buhok mo ngayon.
Binalak kong magpagupit ng may bangs na medyo mahaba...sabi ko sa gumupit...yung sa likod wag na lagyan ng layers kasi gusto ko phabain na ng straight...kaso pagkagupit niya dun sa supposedly medyo mahaba pang bangs, medyo naisagad din niya kaya pangit ang effect...ayun, layered yung buhok ko para bumagay naman sa maiksing bangs...leche! gusto kong pagbayarin ng damages ang bruha...bagkus binigyan ko pa ng tip at isinumpang huli na yun dahil never na ko magpapagupit sa salon nila...bwiset!

6. anung kwento ng computer mo?
Sana'y dumating na siya sa buhay ko noong December 12 ayon sa unang plano...eh wala daw pagpapadalhan kaya hindi na bumili...dito na lang ako sa Pilipinas bumili...kaya heto, hanggang ngayon pinag-iisipan ko pa rin kung worth it nga ba...

7. anung kwento ng kwarto mo?
dati siyang bodega pero dahil sa inipon kong bonus last, last year, naiparenovate na siya at napinturahan... ayun, close na kami...

8. anung kwento mo last christmas?
Natulog ako...pinagtatawana ako ng mga kapatid ko dahil nagpupumilit akong magsalang ng bala sa dvd player eh iba ang gusto nilang panoorin...sabi ng panganay na kapatid kong lalaki, "pagbigyan niyo na si manang, umpisa pa lang tulog na yan..." at nagkatotoo nga...dahil wala pang 20 mins sa pelikula, wala na akong malay...paggising ko'y christmas morning na...ayun...kain, tulog, nood, kulitan... yun lang bow.

9. anung kwento mo last valentine's day?
Sinamahan ko si Mapeth bumili ng bulaklak para sa girlfriend ng kuya niya dahil inutusan siya ng kuya niyang gawin ito...tapos sobrang tagal maghintay dahil madaming magsing-irog ang nakapila sa bilihan ng bulaklak sa market2x..ayun...wala kaming nagawa kundi magtiis at maghintay sa pila... PS. binibigyan kami ng bulaklak kapag valentines day pero hindi yun token ng pagmamahal...token yun ng aming kawalan ng kalayaan at boses at pagiging submissive hahaha

10 . anung kwento ng chinelas na suot mo?
minsan isang araw, masakit ang paa ko sa suot kong sapatos...pumunta kami sa SM Makati, may nakita akong tsinelas na pwedeng isuot habang nasa opisina (wag lang kapag lalabas ka na) at binili ko siya...heto, mahigit isang taon na kaming nagsasama

11. anung kwento nung una mong nakita yung crush mo?
may nakasalubong akong nakasuot ng unipormeng dati-rati sa pagkakaalam ko'y puro pangit lang ang nagsusuot...ah cute siya...tapos nagreport sa opisina namin...diyos ko akala ko'y napansin din ako kaya pumunta sa opisina...yun pala'y reporting for duty at siya ang papalit sa dati kong boss hahaha.... close na kami ngayon...ps. wag niyo pong ipapaalam hehehe

12. anung kwento sayo ng parents mo tungkol kay santa claus?
wala actually...noong ako'y apat na taong gulang at dadalawa pa lang kaming magkapatid...sabi na tatay ko magsabit daw kami ng medyas at baka paggising namin may laman nang chocolates... ayun nga...eh nahulaan ko namang nanay ko lang naglalagay nun dahil wala kaming chimney...heehee

13. anung kwento nung best movie na pinanood mo?
aba madami po yun... panoorin mo na lang din...eto listahan ng iba... 50 first dates, indiana jones, national treasure, pirates of the carribean etc etc

14. anung kwento nung last time na umiyak ka?
kagabi...hindi ko malaman kung ano ang principle ng multiplication of fractions at pag cancel ng like chuva...ah basta...ganun...huhuhu

-----

1. GIVE 3 NAMES IN YOUR CELLPHONE'S INBOX .
last three... Katsu ;-), Neng, Kat Acupanda

2. WHAT IS YOUR MAIN RINGTONE? -
Irreplaceable by Beyonce *to the left, to the left*

3 . WHAT DID YOU DO AT 12 LAST NIGHT?
Solving Chemistry problem using the principles of Algebra bwahahaha and crying bec of it... huhuhu

4. WHO WAS/WERE THE LAST PERSON/S YOU WENT OUT WITH? WHERE?
Mapeth, dinner at Giligan's Market2x after grocery shopping at Gaisano's

5. WHAT IS THE COLOR OF THE T-SHIRT YOU'RE WEARING NOW?
red orange (a tailored blouse actually, my friday uniform)

6. WHAT WAS THE LAST THING YOU DID?
forwarded an envelope of documents to the intel office regarding a missing friend of a friend

7. NAME 3 OF YOUR EVERYDAY FAVORITE ITEMS.
lip gloss, hair conditioner, moisturizer heehee

8. WHAT IS THE COLOR OF YOUR BEDROOM?
green... eksaktong description ng kulay eh nakalimutan ko na...

9. HOW MUCH MONEY IS IN YOUR WALLET NOW?
700 + change *pobreng bata kasi kailangan paabutin yun hanggang sweldo*

0 ang nakinig: